‘Musta ba dyan? Mainit ba o malamig? hehe. Joke lang. I know you’re in a better place now.
Alam mo, gusto ko na sanang gumawa ng FAQ para di na mapagod ang asawa mo kaka-ulit ng kwento kung ano nangyari at bakit kinailangan mong mamaalam ng maaga. Pero wala naman daw sa kanya yon. Being with them and sharing your story is his way para suklian ang mga kaibigang nakiramay.
Bilib ako sa tatag nyong mag-asawa. Sobrang tindi ng pinagdaanan nyo, and yet, here we are now. Nakukuha pa ring tumawa pag magkakasama. I’m sure nakikitawa ka rin sa amin kaninang madaling araw.
Nung unang makita ko ang setup sa chapel kung nasaan ka, sabi ko sa sarili ko, para kang prinsesa sa ganda ng paligid. Kulang na lang Seven Dwarfs na nagluluksa sa harapan, ka-level mo na si Snow White. Ang kaso, tulog pa si Prince Charming mo pagdating ko galing airport. Sinubukan ko ngang takutin sa pag hila ng paa nya para magising, pero wa epek.
Nasaan ka na ba?
Di ko naman sinasabi na magpakita ka sa akin bigla. Pero masakit kasi isipin na wala ka na. Nakaka-iyak twing magsi-sink-in yung sagot. Alam kong hindi naman ikaw yung nasa loob ng puting kahon sa harap. Hindi kita mahahanap don. Wala ang sagot don. Read more
Birthday ng panganay ko today. 12 years old na. Bihira ko syang banggitin sa facebook kasi pinagbawalan kami. For a time, bawal din sya i-tag sa pictures. Ngayon naka-private na ang tagged pictures nya kaya pwede na uli. hehe. I now realize she’s a very private person. Ibang-iba sa aming mag-asawa at sa walang kamuwang-muwang na bunsong kapatid nya na kilala ng buong baranggay (aka FB)!
Isa sa paborito kong birthday party theme ni Kite ay yung “Barrio Fiesta” theme when she turned 4 in 2004. Major karir sa pagso-source ng prizes dahil Filipiniana nga yung theme at hindi basta-basta nakikita sa ordinaryong party shop or toy shop. BTW, hindi sa Barrio Fiesta resto ginawa yung party. Linawin ko lang. hehe.
Etong mga colored sisiw ang baby itik at dinayo pa namin sa ilalim ng LRT sa Blumintritt. Ring-a-Sisiw yung game.
Bentang-benta din sa matatanda yung palabunutan corner. Parang nung araw lang.
Syempre may relay game na “Maria went to Market.” Classic na yun!
Local dishes ang sinerve ng Josiah’s Catering for the party. Eto yung kakanin section ng buffet para busog agad mga bisita. hehe.
Panalo din ginawang cake for Kite. May elements ng Pahiyas sa Quezon at Flores de Mayo. May sari-sari ding tropical fruits made of sugar. Galing ng detalye ng Virgina’s Cake!
For a child-safe Pukpok Palayok, nag-DIY din kami palayok-shaped pinata na paper mache.
Etong mga loot baskets, binili namin ng bulto sa Suki Market sa Mayon, QC. Yung mga lamang laruan at yung dahon ng saging, malamang sa Divi. hehe.
Itong lootbags ng mga yaya, malamang sa ilalim ng Quiapo namin nabili.
Humanap din kami nung mga mini-palayok / lutu-lutuan set for prizes hanggang sa nakarating pa kami sa mga tourist shop sa Intramuros. Wala. Sa Pangasinaan pa ata nakabili ang nanay ko. Karir kung karir!
Ang masaya pa nito, most of the kids came in native din! Ito ang nanalong best in costume. Kinarir din ng magulang. LIKE!
At dahil August ang birthday, sulit ang costume ng mga pamangkin ko sa Buwan ng Wika (hanapin si VJ Earl)! hehe.
Itong nakaraang weekend, may reunion kaming pinuntahan sa resto ng kamaganak namin sa Los Baños. Nagbalikbayan kasi ang pamilya ng dalawa kong pinsan galing US at Australia. Advance bithday celbration din ng tita ko. Since it was a lunch invitation, nag-decide na din kami na mag-overnight sa Laguna since matagal-tagal na din kaming hindi nakapag-overnight sa LB. Usually, sa resort na may hotsprings kami tumutoloy, but this time, with the help of friends via FB, me learned about Pugad Adarna. Pugad ng isang mythical creature sa tuktok ng isang mythical mountain. Pugad na ipinagawa ni Imelda sa tagudtod (slopes) ni Maria Makiling.
Pugad Adarna in Mount Makiling at night
Sabi ko sa kuya ko, gawin ko syang guest blogger para sya mag-kwento. Elib ako kasi nagawa nya ‘to habang andun pa kami sa ‘Pugad.’ Sabi ko nga, maski ako na kasama sa biyahe, may natutunan pa rin sa kwento nya. Sa kanya rin lahat ng pictures na makikita dito. Eto ang sabi nya… Read more
Kung may pambansang kahon tayo, malamang ito na yun!
Sinong Pinoy ba ang ‘di excited makatanggap ng Balikbayan Box delivery sa sariling bahay? Ang baby ko nga, excited din!
Kung pareho lang silang nagsasalita nung kahon, malamang magku-kumustahan yung dalawa. Nagkita na kasi sila last May sa Australia. Eto ang souvenir mobile upload nila with the original caption sa FB. Read more
Kilala ang pista ng San Juan City sa basaan. Si San Juan Bautista (St. John the Baptist) kasi ang patron saint dito kaya sabuyan ng tubig ang batian. Ilang taon na rin mula ng matira kami dito pero hindi kami lumalabas tuwing June 24 dahil nga badtrip mabasa. hehe
But this year, iba! Inaya ako ng asawa ko na mag drive-by kami kung saan may basaan. Gusto nya makita ng panganay ko kung pano mag celebrate ang mga taga-San Juan ng kapistahan. Laging sa TV lang kasi namin nakikita eh.
So pinlano namin gumising ng maaga ng June 24 dahil hanggang alas-dose lang ng tanghali ang basaan. Umuulan ng umagang yon kaya yung plano naming 8AM take-off, naging past 9 na. hehe. Pagsakay-na-pagsakay ng oto, sinabi ko pamilya ko na siguraduhing naka-lock ang pinto AT ALL TIMES at wag-na-wag magbubukas ng bintana. Ang target naming puntahan ay N. Domingo/Agora area. Eto mga nakita namin sa along the way…. Read more
Nakikita nating nilalako sa kalsada ng mga bata na nagsasabing, “Bili na po kayo. Pambaon lang bukas.”
Nakita ko itong trailer ng pelikulang ito na kasali sa Cinemalaya 2010.
Filmmaker’s Production Notes: I was thinking of a topic for my first screenplay in a coffee shop in Tomas Morato when a child selling sampaguita flowers came to me and asked if I could buy his last garland so he could go home. I asked him: where did the flowers come from? And this started this journey with the sampaguita. I was first intrigued by the sampaguita being our national flower. It is a symbol of our nation. If I follow its journey, would I get a glimpse of my country? As I immerse myself more on the topic, I become all the more excited to tell its story. I learned that the flowers were harvested in the province, mostly in Pampanga and Laguna. When I went to Floridablanca, Pampanga at early dawn, I was amazed to see people with gas lamps on the vast sampaguita fields. By the roadside, they seem like fireflies. People are harvesting sampaguita in the dark because until now, there is no electricity in their place. I interviewed the children who harvest the flowers. They tell me that they only study in the daytime. They cannot study at night. Despite this condition, the children in the province, are still more optimistic about the future. They want to be teachers and doctors. They still dream of a better future. All the children in the film are actual sampaguita harvesters and vendors. The film is based on actual interviews with the children prior to production. [READ MORE...]
Bakit nga ba bata kadalasan ang mga sampaguita vendors?
(photo by eye speye)
Pero hindi na limited sa garlands ang gamit sa sampaguita ngayon. Ginagamit na rin ang sampaguita ngayon sa arrangement at styling ng mga florista sa kasal.
Kung 4th of July ang tawag sa Independence Day sa Amerika, tinatawag naman ng Fil-Am Friendship Day yan sa atin. Actually, yan din petsa na kinagisnang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula 1946 ng nagpasya ang Amerika na kaya na nating maging independent. Nung 1962 lang nabago ng nagpasya si President Diosdado Macapagal na ilipat sa June 12 ang Araw ng Kalayaan, at Filipino-American Friendship Day ang itawag sa July 4 celebration. Pwede!
Malalim ang samahan ng Amerika at Pilipinas (BFFs) pero nag-ugat ang samahan na yan sa gera (Frenemies).
Naikwento ko dito kung paano namin hinanap ng pamilya ko yung marker ng unang putok na naging mitsa ng Filipino-American War. Ka-text ko ang kapitbahay kong si Mark na hindi namin mahanap ang Pinaglabanan Bridge. Eh may pagka-history buff sya, so na-curious sya kung saang nga at nag research sa internet. Hinanap nya thru Google Earth yung location ng mga historical markers. At pinanganak na ang idea para sa Pinoy Scooter Podcast Ride-Out Series.
Unang Putok Markers - nahanap namin ni Mark last week
Ano ba exactly nangyayari sa PSP Ride-Out? Para siyang walking tour ni Carlos Celdran or ng Old Manila Walks, except that hindi kami naglalakad, but nakasakay sa scooter so mas malawak ang coverage. May casual kwento tungkol sa kasaysayan ng yung biyahe. May foodstops din syempre!
Ginawa namin ang unang ride-out nung 150th Birthday ni Rizal. Umuulan nun pero 21 riders and turnout (plus dalawang angkas). Enjoy lahat! May mag-amang lumuwas pa galing Pililla, Rizal para makasama lang sa aming ‘pasyal.’
Napagusapan namin ni Mark na ulitin uli. Si Mark taga plano ng ruta at tourguide/curator during the stops. Ako taga-kwento sa blog at taga-design ng poster/legsheild banner.
Sa July 10 (Sunday) na ang ikalawa ng PSP Ride-Out Series. Eto ang details na bigay ni Mark:
- – - – - – - – - – -
“The Generals’ Route”
The Filipino – American Friendship Day ride
Meet up point: the old Army & Navy Club on T.M. Kalaw st.
Date: July 10, 2011
Time: 6:30am (assembly) | 7:00am (takeoff)
Ride Route:
Army Navy Club – Luneta – Roxas Blvrd. >> Taft Ave. >> Metropolitan Theater >> Manila Post Office
FOOD STOP!!!!! Binondo Breakfast
Manila Grand Opera House – Site of the 1st Philippine Assembly >> Gen. F.B. Harrison – Grave Site, North Cemetery >> Sta Mesa.- Site of the 1st Shot that triggered the Filipino-American war >> San Juan Bridge – demarcation line of the Philippine and American territory
FOOD STOP!!!! LUNCH at Charlie’s Wanton San Juan City
Gusto ko itong Azkals chant/video na ‘to! Catchy ang lyrics at maganda ang graphics ng video. Eto statement ni PNoy sa panalo ng Azkals laban Sri Lanka kahapon.
Eto naman sa baba ang kwento ng kaibigan kong kaholero na si Uriel (oo, sya yung kasama ko sa PNR / Riles Adventure) na nanood mismo ng laban sa bagong renovate na Rizal Memorial Stadium.
= = = = = = = = = =
PI-LI-PINAS! 4-Zero! ! 4-Zero! Yan ang sigaw sa laro kahapon. Libu-libong Pinoy na dumayo at nagbunyi sa galing ng Pilipino — half-Pinoy man o hindi.
Mukha ngang futbol nga ang sports na angkop sa Pinoy…Paging Chris Tiu!
Bakas na bakas sa mga anak ko ang labis na pagiging Proud Pinoy dahil sa Team Azkals. Damay mo na ang mga libu-libong taong pumunta para magbigay supporta. Samu’t-saring pakulo ang makikita mo: andiyan yung “player” #K9 na si “KAL” (aka Chuck Severino without the dawg costume).
'Kal' aka Chuck Severino with brother Rico (founding prexy ng Vespa Club Pilipinas)
May mga dog-inspired hats, flag-inspired jerseys, at ang pinaka-madami yung face painting.
Isama mo na kami ng mga anak ko dun sa mga na na-excite mag lagay ng face paint. Parang mga moro-moro may kulay sa mukha at tali sa ulo, para ang dating matapang! Naturalmente! ano pa ba ang ilalagay mo kundi ang kulay ng badila o ang bandila mismo. GANYAN TAYO KA PROUD! Kudos to the Team Azkals for igniting once more our patriotism. Sigurado puno ang FB ng mga ganyang larawan ngayon.
Yung bunso ko ang gusto niya number 7 para kay James Younghusband (asa!) at bandila naman sa panganay ko. Ako, gustong-gusto ko rin magpalagay ng bandila sa mukha ko kaya lang parang na-sabotage ako ng mga anak ko. BANDARITAS lang pininta nila. Medyo lame pero at least UNIQUE
Hindi ko masyado alam ang storya ng Azkals pero alam ko na hindi naman masyadong kaginhawaan ang simula nila kaya siguro tayo tuwang-tuwa sa layo na ng narating nila… bukod sa kapwa ko sila pogi. May ka-Vespa nga ako na inlababo na ata kay Stephan Shrock — mid fielder ng Azkals. Itago na lang natin siya sa pangalang “ATENG TOPPY” (biro lang, Tops Marin!)
Game 2 against Sri Langka mabuti’t sa Maynila naman iginawa. Kung hindi ako nagkakamali, twice pa lang ito sa mga official matches ng Azkals dito sa Pinas.
Taena! ubusan ng tickets! masuwerte naman nakakuha pa kami ng tatlong (3) tickets mula daw sa mga foreigners na biglang umuwi ng bansa nila. Hanep! pati mag expats fan na din ng Azkals. Sobra bentahan at bilihan sa labas ng ticket. Yung ticket na P200, P1,000 na sa labas.c P400 naman ang bilihan kung may extra ka, so maliwanag na P600 ang tubong paghahatian.
In fairness, kumakanta si James Younghusband ng Lupang Hinirang.
Natuwa ako sa Ganda ng Rizal Coliseum ngayon. Ang sabi, yung turf o yung green ay labor lang ang sagot ng gobyerno. Most of the cost daw ay from the generous donations ng SMC. Mahigit isang milyon daw ang nagastos diyan… mura na din yun sa lawak ng field. Oo nga pala yung katabing kong ale ang may kwento niyan. Half ng upper grandstand ay blocked seats for sponsors and government officials.
Pati yung mga seats kung saan kami nakapuwesto ay puro maayos na maski parang segunda mano lang ang ikinabit, kahit papaano naman eh napalitan na yung mga luma na fiberglass na upuan na may mga katagang “I was here…” Mas tama siya ngayon kasi walang sandalan yung kinabit. Ang tanda ko nung araw yung mga luma ay mayroon so mas-masikip siya.
Luma pa din ang pintura sa labas at loob pero malinis naman. Wala na rin tulo yung bubong. Nasubukan ito nung first half ng game ang lakas ng ulan. Kaya lang sa lower right corner ng field medyo may ponding ng tubig. Muntik na tuloy sumablay si James Younghusband sa corner kick niya kasi lubog ang sapatos niya sa baha. Konting ayus lang naman sa cleve ang kailangan dun.
Sana laging may mga ganitong sporting event kasi sa mga pagkakataong ito lang naayos mga gusali nating puno ng kasaysayan lalong lalo na itong Rizal Coliseum kung saan maraming atletang bayani ang umusbong.
= = = = = = = = = = Tungkol sa may-akda: Ang kaibigang kong si Uriel Protomartir ay ang kasalukuyang presidente ng Vespa Club Pilipinas. Isang arkitekto by profession at tagapangasiwa ng UF Protomartir & Partners na based sa Makati. Meron siyang dalawang dalagitang anak na kaholeras for Azkals. I-click ang picture nya para makita ang pintang banderitas sa kanyang kanang pisngi!