Eto kasi ang sabi ng Presidente sa speech nya:
“May nagtanong ho kasi sa akin e—sabi niya, ‘Kumusta lovelife mo?’ Kaya ang sabi ko po sa kanya, ‘Ah, parang Coca-Cola.’ So sabi ngayon ng tao, ‘Hindi ko yata maintindihan.’ Kako, ‘Coca-Cola, ‘nung araw Regular, naging Light, ngayon Zero.’“
Witty diba? Tunong pick-up line na pang ice-breaker nya sa chicks! hehe
At dahil nga madaming interesado sa lovelife ni PNoy, frontpage balita ang hirit ng Presidente. Maging ang mortal na kaaway ng Coke ay kinailangang mag-react sa patawa ng Pangulo. Sa tulong ng ahensyang BBDO Guerrero, kumuha ang kumpanya ng isang full page ad para lang ipahatid ang kanilang mahalagang mensahe para kay PNoy.
Etong sabi . . .
Pepsi lang ang makapagmamalaki na naka-outwit nila ang Pangulo and I guess the president doesn’t mind.
So sinong nang mas witty?




