Museo ng Makati


Ito ang lumang Munisipyo ng Makati. Itinayo noong 1918 at ginamit hanggang 1961. Ginawang museum under the term ng dating mayor (now Vice President) Jejomar Binay.  Lagi kong nadadaanan ‘to papuntang Rockwell coming from Makati/Mandaluyong bridge at curious ako ano ba makikita sa loob dahil maganda nga ang facade.  Sya lang ang lumang building (bahay-na-bato) doon sa area kaya pansin na pansin.

So kahapon, on the way sa tambay sa bahay ng barkada, naisipan kong dumaan at tumigil muna dahil wala naman akong oras na hinahabol.  I was hoping na bukas sya kasi alam ko bukas usually ang mga museums pagka-weekends at sarado pag Monday.

Pag dating ko dun, may nagke-kwentuhang dalawang lalaki.  Yung isa mukang caretaker ng lugar (naka-pambahay lang) at yung isa naman MAPSA (Makati Yollow Boy).  Sila ang pinagtanungan ko kung bukas ang museum.  Sarado daw kapag weekends.  Bukas pagka-office hours during weekdays lang.  Ngek!  Trapik kaya dun sa area na yun pag may pasok. Eh kapag weekends, may oras mamasyal ang mga tao dahil walang trabaho so parang mali, diba?  Pero syempre, di ko na sinabi sa kanila yun. Di naman sila ang nagpatupad nung operating hours.  Naikwento ko lang para humaba itong blog. hehe

Anyway, dahil andun na ko, nagpaalam ako sa kanila na magpi-picture-picture muna.

above the museum main door

Di ko lang alam kung faithful ang restoration ng building nung ’90s sa orig na plano ng building. But nice touch para sa akin yung “Makati” na nakaukit dun sa itaas.  Nung kinunan ko, tingin ko luma. Pero ng tinitignan ko sa pic ngayon, parang masyadong pulido ang pagkakagawa sa mga letra para maging luma.

Capiz Window

Nagandahan din ako sa bintana maski may mga “JB” na nakalagay.  Medyo subtle naman.  Not shout-out-loud so okay na sa akin.  Mas okay sana kung wala para swak sa Anti-Epal bill. hehe

Nung balikan ko yung dalawang manong na nakatambay (alam kong curious din sila sa ginagawa ko dun), tinanong ko kung nasaan yung marker. Tinuro nila yung mga brass markers na pinaskil ng munisipyo.  Pero ang hinahanap ko yung mabigat na itim na bakal from National Histortical Commission.  Itinuro sa akin ni manong caretaker ito . . .

ang marker na hindi

Ganda sana kaso walang marker. *toinks!*  Parang nagulat din si manong na wala na pala kaya di ko sure kung caretaker nga talaga sya dun sa lugar or tambay lang.  Hindi ko alam kung nawala o nakatago lang yung naka-lagay dati dyan.  Sana lagyan ulit para sa mga bisita who value history. :)

Bago ako umalis, kinunan ko yung water fountain sa harap ng building.  Judging sa mga patay na lumot, medyo matagal ng di ito napapagana. Sayang at saka takaw dengue ang stagnant water.

In all honesty, I appreciate na Makati has something like this.  Maintained naman sya but not as well maintained as I hope it would be. Gusto ko pa actually bumalik sa lugar  para makita yung loob.  I’m not really expecting much inside judging from what I saw outside pero okay na may mga ganitong restored bahay-na-bato pa na makikita lang within Metro Manila.  Yung iba ngang city sa NCR, walang museum eh.  Swerte ang mga taga-Makati.

Kung barkada ko lang si Mayor Junjun Binay, ite-text ko sya na mas ma-maintain pa sana at sana buksan nila pag weekends.

Actually, may iba pang lugar within Makati na mukang okay pasyalan.  Abangan ang susunod na kabanata . . .

FPJ sa GMA (atbp. Pangulo ng Pilipinas)

Eto ang opisyal na listahan ng mga Pangulo ng Pilipinas mula kay Aguinaldo hanggang kay PNoy na matatapos ang term sa 2016.

Presidents of the Philippines (1899 to 2016)

Pero mukhang hindi imposibleng na madagdagan ang listahan dahil sa balitang ito:

Sen. Francis Escudero aims to gather enough evidence by “early next year” to urge Congress to proclaim the late Fernando Poe Jr. as the rightful winner of the 2004 presidential elections.

Escudero told reporters he is still gathering the evidence from the Blue Ribbon committee’s investigation and talks with the National Movement for Free Elections (NAMFREL).

The senator earlier proposed the creation of a fact-finding body that will determine if there was massive cheating in the 2004 presidential election.

He said Poe could be posthumously declared winner of that election if it is proven that President Gloria Macapagal Arroyo used her position to commit poll fraud.

Poll chief Sixto Brillantes, however, said the Commission on Elections can no longer undo the proclamation of Mrs. Arroyo even if it is proven that she rigged the election. [source]

Because of this development, naisipan kong gumawa ng “official looking” Presidential Portrait ni Da King gaya ng mga naka-display sa Reception Hall ng Malacañang Palace. Ginamit ko as background yung portrait ni GMA at dun ko inilagay yung katawan ni FPJ para symbolic. hehe.  Of course, kailangan andun yung trademark na pamulsa ni FPJ para syang-siya talaga. :D

FPJ as "President of the Philippines"

Juan dela Cruz & Uncle Sam: BFFs or Frenemies?

(click image to enlarge)

Kung 4th of July ang tawag sa Independence Day sa Amerika, tinatawag naman ng Fil-Am Friendship Day yan sa atin.  Actually, yan din petsa na kinagisnang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula 1946 ng nagpasya ang Amerika na kaya na nating maging independent. Nung 1962 lang nabago ng nagpasya si President Diosdado Macapagal na ilipat sa June 12 ang Araw ng Kalayaan, at Filipino-American Friendship Day ang itawag sa July 4 celebration.  Pwede!

Malalim ang samahan ng Amerika at Pilipinas (BFFs) pero nag-ugat ang samahan na yan sa gera (Frenemies).

Naikwento ko dito kung paano namin hinanap ng pamilya ko yung marker ng unang putok na naging mitsa ng Filipino-American War. Ka-text ko ang kapitbahay kong si Mark na hindi namin mahanap ang Pinaglabanan Bridge.  Eh may pagka-history buff sya, so na-curious sya kung saang nga at nag research sa internet.  Hinanap nya thru Google Earth yung location ng mga historical markers. At pinanganak na ang idea para sa Pinoy Scooter Podcast Ride-Out Series.

Unang Putok Markers - nahanap namin ni Mark last week

Ano ba exactly nangyayari sa PSP Ride-Out?  Para siyang walking tour ni Carlos Celdran or ng Old Manila Walks, except that hindi kami naglalakad, but nakasakay sa scooter so mas malawak ang coverage.  May casual kwento tungkol sa kasaysayan ng yung biyahe.  May foodstops din syempre!

Ginawa namin ang unang ride-out nung 150th Birthday ni Rizal.  Umuulan nun pero 21 riders and turnout (plus dalawang angkas).  Enjoy lahat!  May mag-amang lumuwas pa galing Pililla, Rizal para makasama lang sa aming ‘pasyal.’

Napagusapan namin ni Mark na ulitin uli.  Si Mark taga plano ng ruta at tourguide/curator during the stops.  Ako taga-kwento sa blog at taga-design ng poster/legsheild banner.

Sa July 10 (Sunday) na ang ikalawa ng PSP Ride-Out Series.  Eto ang details na bigay ni Mark:

- – - – - – - – - – -

“The Generals’ Route”
The Filipino – American Friendship Day ride

Meet up point: the old Army & Navy Club on T.M. Kalaw st.
Date: July 10, 2011
Time: 6:30am (assembly) | 7:00am (takeoff)
Ride Route:

  • Army Navy Club – Luneta – Roxas Blvrd. >> Taft Ave. >> Metropolitan Theater >> Manila Post Office
  • FOOD STOP!!!!! Binondo Breakfast
  • Manila Grand Opera House – Site of the 1st Philippine Assembly >> Gen. F.B. Harrison – Grave Site, North Cemetery >> Sta Mesa.- Site of the 1st Shot that triggered the Filipino-American war >> San Juan Bridge – demarcation line of the Philippine and American territory
  • FOOD STOP!!!! LUNCH at Charlie’s Wanton San Juan City

SAVE THE DATE AND PLS DO JOIN US!!!!!

Ain’t about the (ha!) cha-ching cha-ching!

Lyrics ng kanta yung title para may konting pop culture reference.  Kung sounds family lang, eto yung kasamahang lyrics nyan:

It’s not about the money, money, money,
We don’t need your money, money, money.
We just wanna make the world dance,
Forget about the price tag.

Tungkol muna sa pera pagusapan natin para mag attract ng good feng shui itong blog ko.  Dahil sa impuwensya ng asawa ko, naniniwala din ako sa bisa ng feng shui.  Parang “Law of Positive Thinking” lang na Eastern style kung meron mang ganon. ;)

Patapos pa lang ang term ni PGMA, nababasa ko na online na magpapalit ng design ng pera ang Pilipinas.  Nung manalo si Noynoy na presidente, I knew it was just a matter of time na isama si Cory sa bagong design ng P500 dahil nga sa artwork na ito ni Rev Naval (revworx) na sikat-na-sikat nung panahong namatay and dating presidente.

Fast forward to December of 2010.  Nakita ko for the first time yung mga design ng bagong pera sa FB album ng kaibigan kong nagsisilbi sa Office of the President nung ni-launch sa Malacanang.
Sabi ko sa sarili ko: ang swerte ng mga mga mamamasko sa akin.  ‘Di lang malutong, bago pa ang ibibigay ko.  Maski P20 lang, siguradong masaya na! hehe  Ang kaso, hindi pala ganon kadali maghanap ng bagong pera.  Kaya pati ako wala! :(

Around Feb 2011 pa kami nagkaroon.  At first yung P20, P50, P100 pa lang. Nakumpleto ko yung buong lineup mga March na. Nagdala kami ng ilang piraso sa Oz at yun ang prize namin sa mga matatandang bisita sa birthday party ng anak ko.  Parang mga bata ang mga magulang sa pagaagawan sa bagong pera kesehodang P20 pa siya! haha!

Eto tanong: Karamihan ng mga bagong pera sa ibang bansa ay plastic na, bakit papel pa rin ang sa Pilipinas?

Sagot: Kasi ang pera natin ang tanging pera sa buong mundo na gumagamit ng Philippine abaca fiber (20%; yung other 80% ay cotton).  Dahil doon, nakakatulong ang Banko Sentral ng Pilipinas sa industriya ng abaca natin.

That’s actually good enough reason for me na papel pa rin tayo.  Mas Earth Friendly pa nga eh. :)

Eto pa trivia: pansinin nyo yung likod nung mga bagong pera.  Yung mga local fauna na naka-display ay nakikita dun sa same region/area nung landscape (halimbawa sa P20 – and alamid/palm civet at natatagpuan sa bulubunduking lugar sa North Luzon).

FYI uli: Ang alamid (the animal, not the band) ay yung hayop na kumakain ng ng bunga ng kape (yung fruit kung saan galing yung coffeebean, para malinaw).  Pag poops nila buo pa din yung mismong coffeebean.  Yung butong yun ang ginagawang kape.  Ito ang poops na mamahalin.  Nakatikim na ako ng Alamid coffee nung minsang mag-date kaming mag-asawa sa isang coffee shop sa SkyGarden ng SM City North Edsa.  No biggie D ang lasa. Di naman kakaiba o espesyal. Kulang sa lasang t*e. bwahahaha!

Ayan, nalayo na ko sa kwento ko.  Basta ganun.  Pansinin nyo din nga pala yung vertical artwork sa right side, nasa likod nung 20, 50, etc.  Pattern ng tela/burda/habi dun din sa general area na yun (halimbawa yung sa P50 – burda ng barong tagalog yun na makikita sa Southern Luzon).

Kung mahilig kayo sa mga kanyang trivia, panoorin nyo ang video na ‘to.  May parts na boring, but overall, madami akong natutunan tungkol sa pera natin.  Matindi ang art design ng video. Kalidad. Madami kayong mapupulot na munting kaalaman na di galing kay Kuya Kim. ;)

Eto mismo ang pinakikita ng BSP as video presentation video about our new generation banknotes (2010).  Napanood ko nung minsang madaan ako sa NBN4 (government channel natin), hinanap ko sa youtube para sa inyo. :)

MAGKA-PERA SANA TAYONG LAHAT!!!! :D

Side trip sa “loob” ng Manda…

Kapag may nagsabing taga-Mandaluyong siya, ‘di malayong madinig ang punchline na: “Saan, sa loob o sa labas?”  Parang bata pa lang ako, nadidinig ko na ang hirit na yan kay TVJ sa Eat Bulaga! kapag may contestant na taga-Manda.  While it doesn’t help build a nice image to the city, it does help in geography. Basta bata pa lang, alam kong doon ang location nya. Matagal na akong curious kung nasaan mismo.  It’s not along a major thoroughfare kasi kaya bihirang madaanan.  As in, looban talaga siya.

Nung first time ko nga tinahak ang kahabaan ng Nueve de Pebrero St. (hindi ko din alam ano significance ng February 9 sa history para ipangalan sa kalye),  nakita ko finally ang Mental Hospital (ngayo’y National Center for Mental Health na).  Syempre, slow down para umusyoso ng konti and makita ko yung loob through the gates. Right smack in the middle ng driveway ay rebulto  ng isang babae na may dalawang batang katabi. Napaisip nga ako kung sino yun, pero natawa ako nung na-gets ko na.  Sabi ko nga sa sarili ko, kukuhanan ko ng picture yun if I’d get the chance.

Kung rebulto ni Jose Rizal ang makikita sa mga eskwelahan, kaninong rebulto naman ang makikita sa compound ng Mental Hospital?

Nitong Linggo, habang sakay ang pamilya ko on our way to our Father’s Day lunch with the rest of my side of the family, we decided to avoid the Ortigas and Shaw Blvd. intersections ng EDSA. So automatic, sa looban ng Manda ang daan namin.  I asked my wife if it was okay for us to drive by the hospital compound and take a pic of the statue.  Game naman siya.  It was a good thing na mabait si manong guard at pinayagan kaming maka-pasok sa loob para mag-picture ng istatwa.  It was drizzling so Benz took this pic from inside the car.

Parang weird diba?  Pag sinabi kasing Sisa, ang unang papasok sa isip nating mga Pinoy ay baliw, sinto-sinto, kulang sa turnilyo, wala sa tamang katinuan.  Hindi ba parang adding insult to injury lalo na sa mga bagong pasok na pasyente na makakakita nito?  Kung halimbawa, may tama ako sa utak but in denial pa ako, tapos yan pa ang makikita ko sa loob, baka ma-praning at mag-amok na ako! haha!

But dahil kasama ni Sisa ang kanyang dalawang anak (si Crispin at Basillio) na may magandang ngiti sa kanyang mukha, this was definitely during her happy times.  Nung panahong HINDI pa sya baliw.  That accounts for something.  ;)

On our way out, nagtanong ang panganay ko kung sino si Sisa.  Kinwento ko na isa sya sa mga memorable na tauhan sa Noli Me Tangere na may dalawang anak na kampanero sa simbahan, ang mga malulupit na prayle nung panahon ni Rizal, at kung bakit nabaliw si Sisa.

Dun pa lang sa tanong ng anak ko,  sulit na ang side trip. :)

Rizal@150: Pepeng Gala sa Maynila

Rizal@150: ika-150ng kaarawan na ni Jose Rizal sa June 19 (Linggo).  Gusto naming gunitain ang importateng araw na ‘to na ipagdiriwang sa buong Pilipinas.  Ang kaso, dahil Father’s Day natapat ang petsa, celebrate muna kasama ang pamilya.  Pero decide kaming mag Rizal-inspired Ride kinabukasan (June 20) dahil declared na walang pasok.  Yehey!!!

Eto ang planong ruta ni Mark Laccay, ang aking kapitbahay at partner sa Pinoy Scooter Podcast:

  • 630am – meet-up at KM. 0 at Luneta (aka Bagumbayan) fronting the Rizal Monument where his remains are laid to rest
  • 7:03am (time when Rizal was shot) – ride take-off
  • Paco Park – where Rizal’s original grave was in 1896-1898
  • Grand Masonic Lodge of the Philippines at General Luna st. – Rizal Being a Mason
  • site of the Ateneo de Municipal de Manila Intramuros- Rizal being an Atenean and subsequently same location of his trial for treason
  • Old UST site in Intrmuros
  • Rizal Residence Binondo Manila – where Teodora Alonzo (Mother of Rizal) died
  • FOOD STOP!!!!!! Binondo light morning snacks
  • UST to see the Historical Marker of Rizal and Rizal Lane
  • Dimasalang St.- Rizal’s pen name
  • Cruise the streets of Laong Laan, Dos Castillas Trabajo and Retiro seeing old houses & businesses in the area – as these names were mentioned in the novels & wrtings by Rizal
  • FOOD STOP!!!! Original Beef Pares in Retiro St.
  • Head to UP Diliman Academic Oval for the Rizal Outdoor Banner Exhibit (artist & iskuterista Dansoy ‘Cox’ Coquilla will be our tour guide)

Kung may scooter ka at gusto mong sumama, tara na!

Mabuhay ang ala-ala ni Pepe! :)

Alam mo ba saan ang Pinaglabanan Bridge?

This gallery contains 4 photos.

Madalas ko na yang madinig pero di ko pa rin alam saan ang exact location nya maski taga San Juan na ako.  Alam ko kung nasaan ang Pinaglabanan Church, Pinaglabanan Shrine at Pinaglabanan st., pero not the tulay.  Ang alam ko lang (based on my sketchy stock knowledge), doon ang sinasabing lugar kung saan umalingawngaw… Read more.