Etong dawang ‘to ang classic na pasalubong pag merong galing Baguio. Bagu-bago pa yung Ube at Peanut Brittle ng Good Shepherd’s, at ang ‘sosyal’ na Rasin Bread from Baguio Country Club. Some say na cliché na pasalubong nga daw. Pero sa mga nagmo-motor noong araw, hindi ka umakyat ng Baguio kung wala kang uwing walis at garland ng everlasting. Tipong “badge of honor” ng mga riders ang mga yon for conquering the zigzag roads pataat at pababa. Confirmed account yan sa mga beteranong riders noong ’50s – Mr. Frank Valbuena (Vespa Club of the Philippines ’53-’56) at Mr. Ruel Sebastian (Vespa Club Philippines ’59). Eto ang kuha ni Mang Frank with the walis tambo. Hindi pa uso ang helmet nung panahon naya yan at mga gears ng piloto pa ang gamit nila pang scoot.
Fast forward to preset day: Naka-ilang akyat na ako sa Baguio on a Vespa pero di ko naisipan maguwi ng mga ‘to. Parang hassle lalo na yung walis. Pero after I saw how they do it in the ’50s, nainggit ako. Astig nga tignan! Gusto ko din gawin. hehe
This weekend, umakyat ng Baguio ang kaibigan kong si Uriel (PNong sa mga kaibigan namin sa Vespa Club Pilipinas) sa pagsali sa 2012 Petron Enduro Economy Run. Kinantyawan ko sya na magpasalubong ng walis at everlasting. Sabi nya di raw bagay sa Fuoco at kesyo delikado daw sa SCTEx baka liparin. hehe
Pero eto at kaka-mobile upload nya lang ng picture na ‘to.
Nabago man ang dami ng gulong ng mga scooter sa makabagong panahon, buhay pa din ang diwa ng pagpa-pasalubong!
Isang lumang ‘tradisyon’ ang napukaw at binuhay sa makasaysayang pasalubong na ‘to. YEHEY!!!
Sana magawa ko din to sa susunod na akyat ko ng Baguio.

