
Ito ang lumang Munisipyo ng Makati. Itinayo noong 1918 at ginamit hanggang 1961. Ginawang museum under the term ng dating mayor (now Vice President) Jejomar Binay. Lagi kong nadadaanan ‘to papuntang Rockwell coming from Makati/Mandaluyong bridge at curious ako ano ba makikita sa loob dahil maganda nga ang facade. Sya lang ang lumang building (bahay-na-bato) doon sa area kaya pansin na pansin.
So kahapon, on the way sa tambay sa bahay ng barkada, naisipan kong dumaan at tumigil muna dahil wala naman akong oras na hinahabol. I was hoping na bukas sya kasi alam ko bukas usually ang mga museums pagka-weekends at sarado pag Monday.
Pag dating ko dun, may nagke-kwentuhang dalawang lalaki. Yung isa mukang caretaker ng lugar (naka-pambahay lang) at yung isa naman MAPSA (Makati Yollow Boy). Sila ang pinagtanungan ko kung bukas ang museum. Sarado daw kapag weekends. Bukas pagka-office hours during weekdays lang. Ngek! Trapik kaya dun sa area na yun pag may pasok. Eh kapag weekends, may oras mamasyal ang mga tao dahil walang trabaho so parang mali, diba? Pero syempre, di ko na sinabi sa kanila yun. Di naman sila ang nagpatupad nung operating hours. Naikwento ko lang para humaba itong blog. hehe
Anyway, dahil andun na ko, nagpaalam ako sa kanila na magpi-picture-picture muna.

above the museum main door
Di ko lang alam kung faithful ang restoration ng building nung ’90s sa orig na plano ng building. But nice touch para sa akin yung “Makati” na nakaukit dun sa itaas. Nung kinunan ko, tingin ko luma. Pero ng tinitignan ko sa pic ngayon, parang masyadong pulido ang pagkakagawa sa mga letra para maging luma.
Nagandahan din ako sa bintana maski may mga “JB” na nakalagay. Medyo subtle naman. Not shout-out-loud so okay na sa akin. Mas okay sana kung wala para swak sa Anti-Epal bill. hehe
Nung balikan ko yung dalawang manong na nakatambay (alam kong curious din sila sa ginagawa ko dun), tinanong ko kung nasaan yung marker. Tinuro nila yung mga brass markers na pinaskil ng munisipyo. Pero ang hinahanap ko yung mabigat na itim na bakal from National Histortical Commission. Itinuro sa akin ni manong caretaker ito . . .

ang marker na hindi
Ganda sana kaso walang marker. *toinks!* Parang nagulat din si manong na wala na pala kaya di ko sure kung caretaker nga talaga sya dun sa lugar or tambay lang. Hindi ko alam kung nawala o nakatago lang yung naka-lagay dati dyan. Sana lagyan ulit para sa mga bisita who value history.

Bago ako umalis, kinunan ko yung water fountain sa harap ng building. Judging sa mga patay na lumot, medyo matagal ng di ito napapagana. Sayang at saka takaw dengue ang stagnant water.
In all honesty, I appreciate na Makati has something like this. Maintained naman sya but not as well maintained as I hope it would be. Gusto ko pa actually bumalik sa lugar para makita yung loob. I’m not really expecting much inside judging from what I saw outside pero okay na may mga ganitong restored bahay-na-bato pa na makikita lang within Metro Manila. Yung iba ngang city sa NCR, walang museum eh. Swerte ang mga taga-Makati.
Kung barkada ko lang si Mayor Junjun Binay, ite-text ko sya na mas ma-maintain pa sana at sana buksan nila pag weekends.
Actually, may iba pang lugar within Makati na mukang okay pasyalan. Abangan ang susunod na kabanata . . .
