May mga ilang kontrapelo, pero panalo para sa ‘kin ang bagong kampanyang “It’s more fun in the Philippines“ ng Department of Tourism. Sa dami ng mga spinoff na “ads”, malaking milage na. Nakatulong na free font ang ginamit nila [it's harabara.ttf na downloadable dito]. Nakatulong din ng malaki ang social media para madaling ibida ng mga Pinoy ang kanya-kanyang gawang “tourism ads”. Kasama na ako sa naki-join sa FUN! Eto gawa ko for WeddingsAtWork.com; at eto naman for whroridesavespa.com.
Sa pagbabasa ko ng mga interviews at tweets ni Secretary Ramon Jimenez ng DOT, binabanggit nya lagi na BBDO Guerrero ang ad agency na nag-conceptualize ng kampanya. Mahilig kasi akong mangusisa ng magagandang ad concepts dahil dun nakikita kung gaano kagaling magisip ang mga tao sa likod nun. So ginoogle ko ang pangalan ng ahensya at napadpad sa blog nila. Doon ko nalaman na sila yung umisip nang “patulan” ng Pepsi yung Coke joke ni PNoy tungkol sa lovelife nya. I find that brillant!
Dati na rin pala silang ahensya ng DOT para naman sa “More than the usual” campaign na ni roll-out sa ibang bansa nung panahon ng WOWPhilippines nung panahon ni Dick Gordon sa Tourism.
Actually, lahat ng “ad layouts” na nakikita nyo sa page na ‘to ay screengrabs ko galing sa original ad na gawa nila na pinalabas sa Europe. Sinubukan ko lang maging “green” at i-recycle para alamin if those images will still work using the present campaign. And they do!
Here’s the original 30 second spot as posted in YouTube:



