SAGOT
Kaya bang gumawa ng tula na puro tanong lang?
Hindi ba parang magiging iisa lang ang tono nun?
Ay wait, monotonous nga naman pala ang mga tula diba?
Tama ba ko?
Di mo rin sure no?
May poet kaya akong friend sa FB?
Siya kaya tanongin ko?
Ganito ba talaga gumawa ng tula?
Parang kinakausap lang ang sarili, diba?
Pero pano ko ba nasabing tula nga to?
Dapat ba mag-conform sya sa certain standard?
Pwede ba Taglish?
Barok?
Pasok ba maski hindi nagra-rhyme?
Eh kung kulang ng ibang punctuations?
Pwede rin bang iba-iba bilang ng linya per stanza?
Dami kong tanong no?
Ano kaya ang sagot?
At pano ko nga ba tatapusin ang “tulang” to?
Should I end with a period or a question mark?
Ano sa tingin mo?
…at Bakit?
Ano naman masasabi ko?
Wanna know the answer?
Dapat period para may closure diba?
So eto.
Tanong ba o sagot?
Una kong tanong nang mabasa ko ito –
Ako ba’y hibang *din* kung sagutin ang tula mo?
Para nga bang sinasabi kong makata rin ako?
O gusto lang makahirit , ayaw magpatalo?
Ehh…
Type ko lang naman, hindi ba’t ito’y masaya?
Makipagtalastasan (?) o balagtasan [anong word nga ba?]
Ako ba’y papasa sa isang Abet Rana?
…na hari ng w@w, vespa, national figure, lyricist, writer… ano pa?
Napansin mo bang pinipilit kong mag-rhyme?
Is it to “conform to a certain standard” ? o meron lang akong time?
Ang hirap kasing mag-isip, di ba? Pilit na pilit, ano?
Wala naman akong masabi, ano naman ang say mo?
Gusto ko na itong tapusin, pero how, paano?
Kung sa iyo’y tuldok o period, sa akin, ano?
Sagot sa iyong tanong? O tanong sa iyong Sagot?
Hmm, baka naman pwede itong food for thought: (??)
To be or not to be, that is the question.
It is a question, a tanong, na walang “?” punctuation?
Is it an answer, a sagot sa mga tanong ni Abet?
Hahaha alam kong hindi, maka-quote lang ba sa Hamlet?
… para maipilit ang rhyme ,yes or no?
… hindi ko na matapos, I better go… ??
(question marks na lang dyan para consistent. hehehe.)
wow! I’m sooo tats sa reply mo. Napapangiti pa ko habang binabasa ko. Salamat ateV!:)
P.S. MassCom ka ba talaga?
Ang taray! Sino kaya mas nagtagal sa pag gawa?
Haha sa totoo lang, Benz hindi ako mabilis magsulat ng tula
Mahirap mag-isip lalo na’t kung kailangan ng tugma!
Pero gawain ko naman ito usually for fun lang naman
Patawang love letter kay Jed, at mga sulat ko sa isang kaibigan
(hehe Abet ilan ba ang readers ng blog mong ito?
Di kaya masyado kong inexpose ang kabaduyan ko?
Pasensya na ha, kasi binuhay mo ang frustrated makata
At kahapon ay Pilipino ang tinuro sa bata
(kwento ko lang– pilit kong pinasulat si Addy ng talata…
Iniyakan ba naman ako. Ako tulo’y nabahala.
Sabi ko, mula ngayon, tagalog lang ang salita sa bahay
Dahil ikaw ay Pilipino, at para ikaw ay masanay!)
Kaya ginanahan akong sumagot sa iyo
Nasa Pinoy mode, at araw naman ni Bonifacio.
(o di ba relevant din ako like you haha)
Ngunit datapwat bagamat subalit (-et)—
Hindi ako makata, hindi ako poet
Hindi rin writer na tulad mo Abet
Sinamantala ko lang naman itong moment
Na makapagsulat ng aking comment
(take note: moment rhymes with comment haha)
AteV: Pinahahanga mo ko.
Although hindi mo na-address kung MassCom ka nga ba. hehe
Also, don’t worry. Tatlo lang tayo dito. Dalawa nga lang dapat kung di ko pa ibinida sa asawa ko yung tula mo.