
Kilala ang pista ng San Juan City sa basaan. Si San Juan Bautista (St. John the Baptist) kasi ang patron saint dito kaya sabuyan ng tubig ang batian. Ilang taon na rin mula ng matira kami dito pero hindi kami lumalabas tuwing June 24 dahil nga badtrip mabasa. hehe
But this year, iba! Inaya ako ng asawa ko na mag drive-by kami kung saan may basaan. Gusto nya makita ng panganay ko kung pano mag celebrate ang mga taga-San Juan ng kapistahan. Laging sa TV lang kasi namin nakikita eh.
So pinlano namin gumising ng maaga ng June 24 dahil hanggang alas-dose lang ng tanghali ang basaan. Umuulan ng umagang yon kaya yung plano naming 8AM take-off, naging past 9 na. hehe. Pagsakay-na-pagsakay ng oto, sinabi ko pamilya ko na siguraduhing naka-lock ang pinto AT ALL TIMES at wag-na-wag magbubukas ng bintana. Ang target naming puntahan ay N. Domingo/Agora area. Eto mga nakita namin sa along the way….
Talagang kinukuyog ng mga revelers ang jeepney. Useless ang mga trapal. Masayang tignan na nagkakasayahan! Pati ata si manong driver kasabwat. Di ko lang alam sitwasyon ng mga pasahero sa loob. Malamang tanggap na rin nila ang kapalaran nila nung araw na ‘to. hehe.

Kasama ang mga bumbero ng munisipyo sa pambabasa. Buti na lang damil supply natin ng tubig dahil sa La Niña. Ni hindi na-dampen ang spirits ng mga nambabasa dahil sa ulan. Mas mukhang masaya pa nga sila! At saka mas okay na sigurong mabasa kung alam mong basa din yung nambabasa ya iyo.
Pati mga babae kasma sa basaan. May mga wet look nga akong nakita, kaso di na-picturan. hehe. Sa mga nadaanan namain, wala naman kaming nakitang binasang napikon.

Iba-iba ang water source. Eto umiigib galing sa alulod ng building. May nakita pa kami sumalok sa sidewalk galing sa tubig baha. But if fairness, malinaw-linaw yung tubig baha. hehe.

Yung mga mayayaman, hose na galing sa loob ng building ang pambasa. O-ha! Pati nga batang Chinoy nambabasa gamit mga tabo at water guns!

Sa San Juan, okay na maski tubig lang ang handa kapag fiesta!
