Posted on

Ang Perya at ang Cirque du Soleil

my Pinoy-themed Cirque du Soleil souvenir shirt

Sa pagkakaiba, parang isang mundo ang pagitan.  Pero meron silang pagkakapareho:

1. Pareho silang lumilibot ng iba’t ibang bayan.

May nakita lang akong perya nung isang araw.  Dun naka-setup sya malapit sa squatters area doon sa Pinaglaban Shrine (‘informal settlers’ to the politically correct).  Katatapos lang kasi ng fiesta dito sa San Juan kaya andun pa sila.

First time naman bumisita sa Maynila ng tropa ng Cirque du Soleil (salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Circus of the Sun” o “Sirko ng Araw”).  Nagtayo sila ng malaking aircon tent sa harap ng Quirino Grandstand.  Sabi ng asawa ko, Grand Chapiteau ang tawag dun.  French word na ang ibig sabihin ay dambuhalang tolda.  Yun din. hehe.  Bago lang ang Cirque du Soleil touring show na “Varekai,” at dito sa Maynila nila napiling ganapin ang kauna-unang pagtatanghal (first run).  Sa Sau Paulo at Rio de Janeiro sa Brazil ang susunod nilang lilipatan. Nag-date kami ni Benz kagabi para manood.  Astig yung palabas!

2. Lahat ng nagpapatakbo at tauhan ay naninirahan kung saan dinala ang amusement/attraction.

Dun sa Pinaglabanan, nakita kong naka-tambay yung mga operators at pamilya nila sa may peryahan. Sila ang modern-day nomads o N.P.A. (no permanent address). Kwento nga ng kaibigan kong si Bong, may magtatay siyang nakausap sa peryahan, parehong ‘di alam ang birthday. :( Malamang walang birth certificate at walang records sa census kasi nga palipat-lipat.

Ang Cirque du Soleil, syempre sa Manila Hotel nakatira.  So mga walong tambling lang siguro andun na ang mga sirkero ng Cirque sa lobby. hehe

3. Pareho silang naghahatid saya sa mga taong pumupunta dito.

Hindi ko na to kailangan i-explain.

Eto ang isang Pinoy shortfilm tungkol sa mga taong nagta-trabaho sa perya.  Brainchild ito ng kaibigan kong si Jason Magbanua sa pakikipag-tulungan kasama ng iba pang batikang videographers (sina Bong at CJ ng Threelogy, Bob Nicolas, at si John Marvi de Guzman) at suporta ng Canon Philippines (click their names for their film commentary).   Panoorin nyo.

About these ads

About Abet Rana

filipino | husband | father | webmaster | editor | songwriter | vespa rider

3 responses to “Ang Perya at ang Cirque du Soleil

  1. Tita Bec ⋅

    Nice! Better than Verakai if you ask me. After all, Cirque is just a glorified perya. I bet their popcorn is a whole lot better than Cirque. Mas sariwa di ba?

  2. Abet Rana

    tita: may sariling charm ang perya, pero gusto ko rin ng Cirque. :D. But I imagine na mas malutong popcorn sa perya. Di kme nag-munchies sa Cirque kaya di ko natikman. :(

  3. josephine ablan dela merced ⋅

    life… in a circus… would love to see your next projects in different aspects of life… :-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s