Parte na yata ng buhay ng bawat batang Pinoy ang mamasyal sa Luneta. Ang isa sa pinaka tumatak sa memory ko about Rizal Park ay noong pinasyal ako ng nanay at tatay ko niung minsang hinika ko nung bata. From checkup sa duktor, dun na ako agad dinerecho. Sariwa daw kasi hangin dun. 70s noon so baka nga medyo sariwa pa nun. hehe. Lima kaming magkakapatid pero ako lang ang dinala sa Luneta that time. Feeling special naman ako pero nalaman ko na di rin pala masarap maglaro sa Children’s Playground pag walang kalaro.
Nung 1st year high school naman ako, dun kami nag-cutting classes ng mga barkada ko. Caloocan ang campus namin pero nakarating kami ng Luneta. But isang LRT lang ang layo nun para sa amin. Yung giant relif map ng Pilipinas na tanaw sa taas ng LRT ang clue namin kung saan kami bababa (UN Station). Onse ata kami sa barkada na magkakasama kaya galit-na-galit pala ang class adviser namin at halos kalahati ata ng mga lalaki sa klase nag cutting. Ayon, di pa rin kami pinapasok ng klase the next day bilang parusa. Di naman kami sinumbong sa mga magulang namin. hehe
Nasubukan din naming mag fish feeding (sa may mapa) at bird feeling (sa gilid ng grandstand) kasama ang pananay ko nung maliit at solong anak pa sya.
Yung bunso ko, hindi pa nakarating dun. Kaya nung tinanong ako ng asawa ko kung may naiisip akong lugar para sa birthday shoot ni bunso (mas tipid ang photo shoot kesa mag party ng malaki), Luneta agad ang unang suggestion ko. Sakto naman na nagustuhan ng asawa ko yung idea.
Ito ay ilan sa mga pictures namin sa Luneta . . . 
- Maraming salamat sa aming photographer na si Stanley Ong na sya ring kumuha ng mga pictures namin nung 1st birthday ni bunso.
- Eto naman ang konting kwento ng asawa ko sa Luneta visit namin.
- Click mo naman dito to view the entire set of our Luneta pics.
At bago ko tapusin ang blog entry na ‘to, Happy 2nd Birthday sa aking bunso!























